LIFE STYLE OF JAPANESE
IN SIQUIJOR ISLAND

PHILFREAK
VIDEONG LOKOLOKO
2013.10.18 updated
HOME
 BACK NUMBER 
SIQUIJOR
CONTACT
No.00002
ANG SARAP




2013.10.17
 Dumating ang taga-tinda ng isda kaninang umaga. Nagdala siya ng kugita at pusit. Nmmmmm! paborito ko ito. Bumili ako ng mga 2ng kilo na pusit at kugita. Mula ang sea food sa Siquijor. Isang kilong pusit at kugita ay 120 pesos lang. Kaagad nilinisan ko na ito at nilagay sa freezer. Siguro maraming ulam ang magagawa dito. Medyo matigas kasi ang kugita, ginawa kong Korean apetizer na pangalan "tyanjya". Tyanjya ay sa totoo lang gamiting ang bituka ng isang klaseng isda sa malamig na lugar. Pero Nag-inbento ako ng tyanjyang peke. Mahilig akong gumawa ng peke. Masarap ang pusit kapag gagawin karamalis. Alam mo naman! Masaya na ako ngayon dahil dumating ang paborito ko!

No.00001
SUPER LINDOL
2013.10.17
 Nakakatakot talaga ang lindol no? Yumayanig pa ang lugar namin Siquijor. Noon naglindol sa Negros, hindi nga masyadong yumanig. Pero itong lindol sa Bohol ay grabe talaga. Tingnan niyo! Nabiyak na ang niyog namin sa likod ng bahay,kaya magpaputol kami ng niyog na ito. Nahihirapan pa ang trabahante dahil masyadong malapit sa bahay.Kaya unti-unti na lang pinuputol nila. Sa totoo lang, makapuno ang niyog na ito. Huwag sana putulin. Pero wala kaming magawa. Kaysa sa masisira ang bahay namin, talagang pinutol na.
 Nasanay man kaming maga hapon sa lindol. Pero kapag sobrang malakas, natatakot pa rin. Buti naman buhay pa kami. Nakikiramay na lang ako sa mga pamiliyang namatayan.
Kauumpisa lang kasi ito lang muna ang topics!


PJCPD
 TOP 

inserted by FC2 system